December 26 special-non working day

 

Ideneklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na special non-working day ang December 26 sa buong bansa.

Base sa Proclamation Number 115 na nilagdaan ng Pangulo, kaya niya ideneklarang special non-working day ang December 26para mabigyan ng oportunidad ang mga manggagawa na na makapagdiwang ng Pasko kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay.

Nakasaad pa sa proklamasyon na lalo pang lalakas ang relasyon ng pamilya kung magkakaroon ng mahabang weekend at magkakasama ang pamilya.

Bukod ditto, maitataguyod din ang turismo sa bansa dahil maaring makapamasyal ang pamilya.

Inatasan din ng Pangulo ang Department of Labor and Employment na maglabas ng kaukulang circular para maayos na maiimplementa sa pribadong sektor.

Papatak ang araw ng Pasko, Disyembre 25 sa araw ng Linggo. Isa itong regular holiday.

 

Read more...