57 milyong pasahero dadagsa sa mga pantalan

 

Nasa 57 milyong pasahero ang inaasahang dadagsa sa mga pantalan para bumiyahe sa ibat ibang probinsya ngayong Pasko.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Philippine Ports Authority spokesperson Eunice Samonte na ang Batangas port ang nakapagtala ng may pinakamaraming pasahero.

Nitong weekend aniya, umabot sa 50,000 ang pasaherong dumadagsa sa pantalan kada araw.

“Sa ngayon po ay nasa 57 million, iyan po ang forecast this December. Pero inaasahan po natin na mas tataas po iyan ngayong magpa-Pasko, at ilang araw bago mag-Pasko ay naitala na nga po iyong pinakamataas na daily average passenger noong December 18 na more than 50,000 – mas mataas po iyan sa daily average passenger last week na nasa 29,000 lamang,”pahayag ni Samonte.

Tiniyak naman ni Samonte na may sapat na seguridad sa mga pantalan.

“Para masiguro po na ligtas ang biyahe sa mga pantalan, ay inaayos po natin iyong ating mga port police diyan. So, nasa mahigit 3,000 po iyong ating force multipliers diyan, and when it comes to security ay nandiyan po iyong ating port police, nakikipag-ugnayan po tayo sa Philippine Coast Guard at siyempre po sa ating mga security guard, nandiyan na rin po at implemented na rin siyempre iyong Oplan Biyaheng Ayos – ito po iyong template  dati na ginamit natin din nitong Undas. So, kumbaga parang nagka-dry run po tayo nitong Undas dahil paparating na nga po itong peak season, at iyan po ay ngayong December,” pahayag ni Samonte.

 

 

 

Read more...