Pribadong sektor pinatutulong sa climate action

 

Hinimok ni Environment and Natural Resources Secretary Antonia Loyzaga ang pribadong sektor na makipagtulungan na mapabilis ang kanilang pagbuo sa nature-based solutions na magbubunga sa “co-benefits of climate action and disaster risk reduction.”

Sa kanyang keynote address sa “Sustainability Forum PH: United for Climate” na ginanap noong Nobyembre 28 sa Maynila, binigyang-diin ni Loyzaga ang importansiya ng pangunguna ng pribadong sektor na natukoy na may mahalagang papel sa pamumuhunan sa climate action.

“I urge those present here today to not only look to energy efficiency – the shifts to renewable energy and resource efficiency, and establishing your process and product contributions to the circular economy – but to internalize the role of nature in adapting to climate change and its critical importance to disaster risk reduction,” saad ni Loyzaga.

Pinuri ng kalihim ang forum na inorganisa ng SM Corporation at ang World Wildlife Fund for Nature (WWF), na nagsisilbing pagkakataon upang mabuo ang Philippine Alliance for Climate Action na layuning makatulong matipon ang public sector upang matugunan ang banta ng climate change.

Ang bagong alyansa, ayon na rin kay Loyzaga ay makapagbibigay ng mahalagang resulta dahil ang potential synergy ng mga malalaking korporasyon sa bansa ay makapagbubuo ng bagong kapasidad sa pagprotekta, pag-restore at pagpapalakas ng ating mayaman ngunit nanganganib na ecosystems.

Hiniling din ni Loyzaga sa mga top business executives na dumalo sa event na ikonsidera ang pakikipagtulungan sa DENR para sa misyon nito na “building evidence-informed area-based resilience.”

“I believe it is high time for the private sector to come together as an alliance to ensure that the ecological and economic gains as individual companies and organizations are leveraged and magnified for the good of our people, our country, and our planet,” pahayag ni Loyzaga.

 

 

Read more...