50,000 na pasahero bumiyahe ngayong Pasko

 

Umabot na sa halos 50,000 na pasahero ang bumiyahe sa ibat ibang bahagi ng bansa ngayong panahon ng Pasko.

Base sa pinakahuling talaan ng Philippine Coast Guard, nasa 26,713 na outbound passengers at 21,569 inbound passengers na ang kanilang namonitor sa ibat ibang pantalan.

Nasa 2,080 frontline personnel naman ang ipinakalat sa 15 PCG Districts sa buong bansa para mag-inspeksyon sa 225 na barko at 242 na motorbancas.

Una nang inilagay sa heightened alert status ang puwersa ng PCG simula noong Disyembre 15 at tatagal ng hanggang Enero 7, 2023.

Hinihimok ng PCG ang mga pasahero na sumunod sa mga travel protocols at regulations na itinakda sa mga pantalan.

 

Read more...