Paglilitis ng Mamasapano case, pinamamadali

 

Humihirit si Attorney Ferdinand Topacio sa Office of the Ombudsman na ituloy na ang paglilitis sa Mamasapano case.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Topacio na matagal nang uhaw sa hustisya ang mga biktima ng Mamamasapano case.

Si Topacio ang tumatayong abogado ng 44 miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police na napatay sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015 nang tangkaing hulihin ang teroristang Malaysian na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.

Ayon kay Topacio, noong 2019 ay may inihain ng mosyon para sa reopening ng Mamasapano case.

Pero nabinbin dahil sa pandemya sa COVID-19.

Sa kanilang mosyon ay hindi naman na raw nila isasama si dating Pangulong Noynoy Aquino sa nais nilang mapanagot dahil pumanaw na ito.

Si Topacio ang film producer ngayon ng pelikulang Mamasapano: “The Truth Can Be Told.”

Read more...