Mga nasunugan sa QC, binigyan ng pabahay ni Mayor Belmonte

 

Pinasinayaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang 60 units ng 112 Transition Units para sa mga residente sa Pook Marilag, Brgy, UP Campus, Quezon City.

Ayon kay Belmonte, maagang pamaskong hatid ito ng pamahalaang lungsod para sa mga benepisyaryo ng transition housing program.

Sinabi pa ni Belmonte na ang mga benepisyaryo ay ang mga biktima ng sunog noong Mayo.

Ayon kay Belmonte, ibinigay ang pabahay para masiguro na ligtas ang mga residente lalot malapit na ang Pasko.

Kasama ni Belmonte sa pagpapasinaya sa transition housing sina UP Diliman Chancellor Dr. Fidel Nemenzo, PB Zenaida Lectura, at District 4 Action Officer Engr. Alberto Flores.

Nakiisa rin sina QC Housing Community Development and Resettlement Department head Ramon Asperer at City Architect Department head Arch. Lucille Chua sa ginanap na inauguration at ceremonial turnover.

 

 

Read more...