Supply ng bigas sa Kadiwa stalls pinatitiyak

 

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatuloy ang supply ng bigas sa Kadiwa ng Pasko sites na maaring mabili sa P25 kada kilo.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ang inspeksyon sa warehouse sa National Food Authority sa Valenzuela City nitong nakaraang weekend.

Sinabi ng Pangulo na nais niyang makatiyak na hindi mapapatid ang supply sa Kadiwa kaya minabuti niyang puntahan muna ang mga warehouse.

Ayon sa Pangulo ito ang panahon na naglalabas na ng bigas, kaya maaring tuloy-tuloy na rin ito at hindi mauubusan ang Kadiwa ng commodities na ipagbibili sa abot-kayang presyo.

inihayag ni Pangulong Marcos na mayroong sapat na supply ng bigas sa Valenzuela City warehouse, sa kabila ng binawasan ng pamahalaan ang importasyon at binigyang prayoridad ang local sourcing ng produkto.

Sa kaso naman ng supply ng sibuyas, sinabi ng punong ehekutibo na humahanap sila ng paraan para agad madala sa merkado ang smuggled onions.

Posible aniyang sa susunod na linggo ay mayroon nang mailatag na solusyon ang pamahalaan hinggil sa smuggled na sibuyas.

Read more...