DTI Secretary Pascual, nanumpa kay Pangulong Marcos

 

Nanumpa na sa harap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual.

Base sa litrato na inilabas ng Office of the Press Secretary, nanumpa si Pascual kahapon, Disyembre 16.

Una nang na-bypass ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga kay Pascual bilang kalihim ng DTI.

Kinukwestyun kasi ng mga miyembro ng CA ang kontrobersiya sa Philippine Economic Zone Authority na isang attcahedd agency ng DTI.

“Kumpiyansa ang Pangulo sa patuloy ng pagganap ni Sec. Pascual ng kanyang tungkulin ng may buong puso para sa bayan,” pahayag ng OPS.

 

 

Read more...