Nakamit ng pamahalaang-lungsod ng Muntinlupa sa ikatlong pagkakataon ang ‘Seal of Good Governance’ mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Labis itong ikinatuwa ni Mayor Ruffy Biazon at aniya ito ay pagkilala sa mga residente ng lungsod dahil sa kanilang pagsusumikap, kabilang na si Rep. Jaime Fresnedi.
“Talagang nakaka-proud maging isang Muntinlupeno. Maraming salamat sa lahat ng mga kawani Pamahalaang-Lungsod pati kay Cong. Jimmy Fresnedi sa kanyang mahusay na pamumuno noong siya pa ang mayor,” aniya.
Nabatid na ngayon taon, bukod sa Muntinlupa City, apat pa sa 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila, ang binigyan ng ‘Seal of Good Governance.’
Natanggap na ng lungsod ang parangal noong 2015 at 2019.
Ibinibigay ito ng DILG sa mga lokal na pamahalaan na nagpakita ng mahusay na pamamahala at polisiya.