VP Sara: Mandatory ROTC sa college students lang!

DepEd photo

 

Nilinaw ni Vice President Sara Duterte na ang mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) ay para lamang sa mga estudyante sa kolehiyo.

Si Duterte ang nagsisilbi din kalihim ng Department of Education (DepEd).

“Ang batas po sa mandatory ROTC ay napag-usapan po namin ng mga members ng Kongreso ay ibabalik natin sa higher education,” aniya sa isang panayam sa Baguio City.

Ayon pa kay Duterte dinidinig na ang panukala sa Kongreso.

Kasabay nito, inimbitahan niya ang publiko na tutukan o makibahagi sa pagdinig ng mga panukala ukol sa mandatory ROTC sa Senado at Kamara.

Read more...