10:15AM update: Thunderstorm advisory itinaas sa ilang bayan sa Rizal at bahagi ng Bulacan

thunderNagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa ilang bayan sa Rizal at sa bahagi ng Bulacan.

Sa 10:15AM advisory, sinabi ng PAGASA na umiiral ang thunderstorm sa San Jose Del Monte Bulacan at sa mga bayan ng Antipolo, Teresa at Rodriguez sa Rizal.

Tatagal ng isa hanggang dalawang oras ang pag-ulan sa nasabing mga lugar na may kaakibat na pagkulog at pagkidlat.

Samantala, ayon sa PAGASA, sa susunod na dalawang oras ay makararanas din ng thunderstorm sa Batangas, at iba pang lugar sa Bulacan at Rizal.

Habang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Zambales, Bataan at Tarlac.

 

Read more...