Lalaki arestado sa QC matapos ireklamo ng pagnanakaw, pagdukot at panggagahasa

Kuha nI Ricky Brozas
Kuha nI Ricky Brozas

Patung-patong na kaso ang kahaharapin ng isang 36-anyos na suspek ng budol-budol makaraang dukutin at gahasain sa loob ang isang buwan ang isang babae sa Brgy. Pinyahan sa Quezon City.

Sa reklamo ni aling Lanita Latinig, mahigit P30,000 umano ang natangay sa kanya ng suspek na si Romeo Gerolia.

Pati aniya pamangkin niya na babae na si Lucil ay sapilitan ding tinangay at ibinahay ng suspek sa loob ng isa at kalahating buwan at ginawa niyang sex slave.

Sumbong pa ni Latinig sa station 10 ng Quezon City Police District (QCPD),nalinlang sila ni Gerolia dahil nagpakita ito ng kabaitan nang makilala nila sa kanilang lugar.

Samantala, napasugod din sa istasyon ng pulisya ang asawa ng babaeng dinukot umano ng suspek.

Ayon kay Gary Rivera, kuwento naman niya, mahigit P10,000 ang natangay naman sa kanya ng suspek.

Inakala kasi niya na asawa niya ang kanyang ka-text na humihingi ng pera sa kanya.

Nakuha din sa pag-iingat ng suspek ang isang pasaporte na hinihinalang mula sa kaniyang nabiktima ng illegal recruitment, isang ice pick at balisong, mga cellphones, at kopya ng birth certificate ng kanyang mga naloko.

Read more...