PBBM nasungkit P4.7-B investment ng Unilever

Aabot sa P4. 7 bilyong investment mula sa multinational consumer good company na Unilever ang naselyuhan ni Pangulong Marcos Jr. sa Brussels, Belgium. Nasa Brussels ngayon ang Punong Ehekutibo at dumadalo sa Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) commemorative summit, Ayon kay Press Secretary officer-in-charge Usec.  Cheloy Garafil, nakuha ng Pangulo ang investment kasabay ng pagpapalawak ng kompanya sa kanilang negosyo sa bansa. Tinatarget din ng Unilever na gawing automated at digitalized na ang operasyon sa Pilipinas. Ayon kay Unilever global business group president Matt Close, ang multibillion-peso investment ay pagapakita ng kanilang commitment sa Pilipinas.

Read more...