Pangulong Marcos nakipagpulong kay European Council President Michel

 

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay European Council President Charles Michel sa Brussels, Belgium.

Ginanap ang bilateral meeting ng dalawa sa Europa Building sa Brussels.

Mismong si Michel ang nag-imbita kay Pangulong Marcos na dumalo sa Association of Southeast Asian Nation-European Union Business Summit.

Pinag-usapan ng dalawa ang renewed partnership sa kalakalan at climate action.

Samantala, inaasahang tatalakayin ng Pangulo sa summit ang usapin sa agrikultura, kalakalan at maritime issues.

May nakatakda ring bilateral meeting ang Pangulo sa mga lider ng Estonia, Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland at the Netherlands.

 

Read more...