Pangulong Marcos dadalo sa World Economic Forum sa Switzerland

 

Dadalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland sa Enero 16 hanggang 20, 2023.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, sa ngayon, mukhang kumpirmado na ang pagdalo ng Pangulo.

Tiyak aniyang exciting kung dadalo ang Pangulo sa WEF.

Nobyembre nang imbitahan ni WEF founder Klaus Schwab si Pangulong Marcos na magsalita sa pagtitipon.

Pero sa naunang pahayag ng Pangulo, sinabi nitong pag-iisipan niya muna kung dadalo sa WEF.

Sa unang linggo ng Enero ay may nakatakdang biyahe ang Pangulo sa China.

 

 

Read more...