Advisory council para sa maritime problem, ikinasa ni Pangulong Marcos

 

Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumuo ng isang advisory council na tututok sa kapakanan ng 50,000 Filipino seafarers na nanganganib na mawalan ng trabaho sa European Union (EU) vessels.

Hindi kasi nakapapasa ang mga Filipino seafarers sa itinakdang standards ng European Union vessels.

Nais din kasi ng Pangulo na tugunan ang kakulangan ng 600,000 Filipino seafarers sa buong mundo.

Ginawa ng Pangulo ang utos sa pakikipagpulong sa international maritime employers at ibat ibang shipowners sa Brussels, Belgium.

Nais ng Pangulo na buuin ang advisory council ng mga kinatawan mula sa government agencies, international shipowners, at iba pang stakeholders.

Tiniyak ng Pangulo sa EU’s transport officials na pinagsusumikapan ng pamahalaan ng Pilipinas na makasunod ang mga Filipino seafarers sa Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) Convention kung saan bigo ang Pilipinas sa nakalipas na 16 taon.

Nasa Brussels, Belgium ngayon ang Pangulo para sa Asean-EU Summit.

 

 

Read more...