Pinaniniwalaan ng Department of Agriculture (DA) na may sindikato na nasa likod ng ilegal na pag-iimbak ng pulang sibuyas kayat napakataas ng presyo nito.
Sinabi ni Rex Estoperez, deputy spokesperson ng DA, kadalasan na mababa na ang presyo ang sibuyas kapag panahon ng anihan ngunit maaring itinago ng sindikato ang mga sibuyas.
“Hindi bumababa ang presyo even though ine-encourage natin yung mga nagtatago ng pulang sibuyas. Doon sa ibang markets, may bahagya lang, pero napakakaunti,” aniya.
Dagdag nito na bibisita sila sa Nueva Ecija para subaybayan ang pag-ani ng sibuyas at madagdagan ang suplay sa merkado.
Tiniyak pa niya na may sapat na suplay ng sibuyas ngayon Kapaskuhan.
“Lagpas naman po tayo sa ating supply. ‘Yun nga lang ang question pa rin doon, yung presyo,” aniya.