Direct flight mula Manila-Belgium, malapit na

 

Magkakaroon na ng direct flight balang araw mula Manila patungo ng Brussels, Belgium.

Ito ay matapos ang pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga opisyal ng Brussels airport.

Nasa Brussels ngayon ang Pangulo para dumalo sa Asean-European Union Summit.

Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, iminungkahi ng mga opisyal ng Brussels airport na magkaroon ng direktang flight mula Manila dahil nagkaroon sila ng interes para may mapanghawakan  sa Pilipinas.

Sinabi naman ni Arnaud Feist, chief executive officer ng Brussels Airport Company, na ang Manila-Brussels direct flight ay “win-win” para sa dalawang bansa.

“We are working on the opportunity to have a direct flight between Manila and Brussels… And we think that basically is a win-win for both countries to be connected directly,” pahayag ni Feist.

Sinabi naman ng Pangulo na ang non-stop flight mula Manila patungong Brussels ay isang oportunidad para tukalsin ng mga Filipino ang Belgium at iba pang bahagi ng western Europe.

“When we talk about Brussels in our mind, it’s really Western Europe because, very clearly, Brussels is very much at the center of that. And so that is something of great interest,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“The pent-up demand over the pandemic is now beginning to show itself, and the demand for air travel has actually increased a great deal more quickly than I had expected,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na ilang siyudad mula sa Southeast Asia ay ilang oras na lamang mula sa Manila.

“That’s something that we would like to take advantage of and exploit in terms of making the areas more accessible… I think there’s a great deal of opportunity it will be advantageous for the both of us,” pahayag ng Pangulo.

Agad namang nagpahayag ng interes ang kompanyang Philippine Airlines para maikonekta ang mga Filipino sa Europe.

 

 

Read more...