Appointment ng tatlong cabinet secretary lusot sa CA

SENATE PRIB PHOTO

Inaprubahan na ng Commission on Appointment (CA) ang pagkakatalaga kina Transportation Secretary Jaime Bautista, Housing Secretary Jose Rizalino Acuzar at Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan.

Ang Sub-Committee on Transportation, na pinamumunuan ni Cavite Rep, Lani Revilla, ang nag-endorso sa ad interim appointment ni Bautista.

Samantala ang pinamumunuan naman ni Sen. JV Ejercito na Sub-Committee on Human Settlements and Urban Development ang nag-endorso kay Acuzar at si Balisacan ay inendorso ng Sub Committee on Tourism and Development.

Unang nasuspindi ang pagdinig sa kumpirmasyon ni Bautista dahil sa kinapos na oras para sa mga mambabatas na nais siyang matanong.

Isinalarawan naman ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri si  Bautista na “responsible and reputable fellow” at marami ng kaalaman at karanasan para maayos na pamunuan ang DOTr.

Read more...