Ngayon kabi-kabilaan na ang mga handaan kaugnay sa Kapaskuhan, nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga kinakain at sobrang pagpapakapagod.
“Lahat din naman tayo, dahil nasa kultura ng Pilipino, naghahain ng masasarap katulad ng lechon, katulad ng iba’t-ibang pagkain na minsan ay nakakaapekto sa ating kalusugan,” paalala ni DOH officer in charge Maria Rosario Vergeire.
Dagdag paalala pa ng opisyal, ang sobra-sobrang pagkain ay maaring makasama sa kalusugan.
“During the time of Christmas, makikita natin yan — December, January, February — mas mataas yung incidents ng inaatake sa altapresyon, inaatake sa puso, naso-stroke because of these kinds of activities that we have during Christmas,” pagbabahagi nito.
Sinabi pa nito na makakabuti kung ang mga pagtitipon ay idadaos sa ‘open area’ para mababa ang posibilidad ng hawaan at kailangan lang din na tiyakin na wala sa mga nagdidiwang ay may mga sintomas ng ibat-ibang nakakahawang sakit.