Grab no show sa hearing ng LTFRB sa surge charge

Hindi sumipot ang mga kinatawan ng Transportation Network Vehicle Service na Grab sa hearing ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ( LTFRB). Ipinatawag ang Grab para pagpaliwanagin kung bakit may kakabit na agad na surge fee sa mga pasahero na sasakay sa TNVS taxi. Nabatid na pinadalhan na ng LTFRB ng imbitasyon ang Grab para padaluhin sa hearing. Inerereklamo ng mga commuters ang Grab  sa LTFRB dahil agad na isinasama  sa kanilang pasahe ang surge fee gayung dapat ito ay kinokolekta lamang kung rush hour. Nabatid na isang mamahayag ang nag reklamo dahil agad siyang sininhil ng surge fee gayung hindi pa naman rush hour. Tiniyak naman ng LTFRB na bubusisiing mabuti ang reklamo at agad na.magpapalabas ng desisyon dahil kapakanan ng mananakay ang nakasalalay dito. Sa Enero 10, 2023 itinakda ng LTFRB ang susunod na pagdinig. Sa pagdinig, nagsumite si Atty Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng kanilang panig hinggil dito. Ayon kay Inton, tumaas ang ridership ngayong holiday season kayat marapat na magpalabas na agad ng resolution ang LTFRB hinggil sa reklamo ng mamamayan laban sa Grab. Kinuwestyon din ni Inton kung bakit pati sa short trip ng TNVS ay awtomatikong nakadagdag na agad ang P85 sa pasahe dito “Dapat I subpoena ng LTFRB ang Grab para ipaliwanag nila kung bakit may nakakarga agad na P85 pesos sa short trip gayung wala naman yang pahintulot sa LTFRB,” sabi ni Inton. Nanawagan din sa Inton sa publiko na ireklamo agad sa LTFRB ang mga singil sa TNVS para aksyunan ng ahensya.

Read more...