Inaasahan na makakaharap ni Pangulong Marcos Jr., si King Philippe ng Belgium sa ASEAN -European Union Commemorative Summit.
“Our relations remained strong and vibrant based on shared values, common interests, and the good reputation that Filipinos have built, not only here in Europe but all over the world,” sabi ng Punong Ehekutibo.
Makakausap din ng Punong Ehekutibo ang iba pang pinuno ng EU at tatalakayin niya sa mga ito ang mga ginagawang hakbang ng kanyang administrasyon para sa post pandemic recovery, ekonomiya, maritime cooperation at climate action.
Ilang araw pa lang sa puwesto si Pangulong Marcos Jr., nang imbitahan ni European Council President Charles Michel na dumalaw sa Brussels.