Sinabi ni Senator Christopher Go na kailangan na palakasin ng husto ang sistemang pangkalusugan sa bansa.
Ayon kay Go, isa ito sa lubos na magpapabangon sa bansa mula sa pagkakadapa dahil sa pandemya dulot ng COVID 19.
Dagdag pa ng senador, sa kanyang palagay ay ito rin ang susi para mapaghandaan ng bansa ang anumang krisis pangkalusugan na darating.
“One’s state of health may directly and immediately affect one’s earning capacity. Especially for many of our average Filipinos who could only take home a fair day’s wage for a fair day’s work, getting sick has particularly dire implications,” ani Go.
Pinuri niya ang direktiba ni Pangulong Marcos Jr. sa Department of Health (DOH) na pagtuunan din ng sapat na pansin ang iba pang isyung pangkalusugan sa bansa.
Kabilang aniya sa kailangan na pagtibayin ay ang kampaniya laban sa tuberculosis at HIV.