Davao Oriental niyanig ng 5.6 magnitude na lindol

 

Niyanig ng 5.6 na magnitude na lindol ang Governor Generoso, Davao Oriental kaninang 4:00 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 65 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Governor Generoso, Davao Oriental; Bansalan, Davao del Sur; Malapatan at Malungon, Sarangani.

Naramdaman ang Intensity III sa Davao City; Mati City, Davao Oriental; Alabel, Glan, at Kiamba, Sarangani; Koronadal City, Polomolok, Tampakan, Tupi, South Cotabato; at General Santos City.

Naramdaman ang Intensity II sa Maitum, Sarangani; T’Boli, South Cotabato; Columbio, at Sultan Kudarat.

Naramdaman ang Intensity I sa Kalilangan, Bukidnon; Norala, Santo Niño, Surallah, at Tantangan, South Cotabato.

Ayon sa PHIVOLCS, asahan na ang mga aftershocks matapos ang malakas na lindol.

Wala namang naiulat na nasirang ari-arian, nasugatan o nasawi matapos ang lindol.

 

Read more...