Roxas, bigong makapagsumite ng SOCE kahapon, humingi ng 14 days na extension sa Comelec

mar-roxas-meet-inquirerNabigo si administration bet Mar Roxas na makahabol sa deadline ng Commission on Elections (Comelec) sa paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga nanalo at natalong kandidato sa nagdaang eleksyon.

Ito ay sa kabila ng extension na ibinigay ng Comelec mula sa 5PM deadline kahapon ay ginawang 6:30PM.

Ayon naman kay Liberal Party spokesperson Cong. Barry Gutierrez, humingi ng 14 days na extension sa Comelec si Roxas para maihain ang kaniyang SOCE.

Ani Gutierrez, maraming mga resibo na kinakailangang mai-scan at mai-attach sa dokumento kaya kinakailangan pa ng sapat na panahon ng kampo ni Roxas para ito ay matapos.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 9991 ang kandidatong mabibigo na makapaghain ng SOCE sa itinakdang panahon ay maaring mapatawan ng multa na P30,000 para sa unang paglabag at P60,000 sa second offense.

 

 

 

Read more...