7AM Update: Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at Rizal

Thunderstorm Advisory

Umiiral pa rin ang thunderstorm sa Metro Manila.

Sa 7:00AM update ng PAGASA, apektado ng thunderstorm ang Metro Manila at ang mga bayan ng Angono, Cainta at Taytay.

Ayon sa PAGASA, tatagal ng dalawang oras ang pag-ulan sa nabanggit na mga lugar na may kasamaang pagkulog at pagkidlat.

Samantala, sa susunod na dalawang oras, inaasahang maaapektuhan din ng thunderstorm ang mga lalawigan ng ‎Bataan‬, Cavite‬, Zambales‬ at ang iba pang mga bayan sa Rizal.

Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na malakas na hangin, pagkulog at pagkidlat.

Mamayang alas 9:00 ng umaga ay muling maglalabas ng abiso ang weather bureau.

Ang maagang pag-ulan ngayong araw ay nagdulot na ng pagbaha sa ilang lansangan sa Maynila partikular sa bahagi ng Taft Avenue malapit sa kanto ng UN Avenue at sa Angel Linao Street kanto ng San Marcelino Street.

 

Read more...