Cashless transactions sa airports isinusulong ni Sen. Grace Poe

Sinabi ni Senator Grace Poe na dapat ay handa ang mga establismento sa mga airport sa bansa sa ‘cashless payment schemes.’
“More tourists and travelers are coming for the holidays. One way to enhance their airport experience would be the availability of cashless payment platforms that stores can offer for better convenience,” ani Poe. Binanggit ni Poe kay Transportation Sec. Jaime Bautista na marami pa rin sa mga tindahan sa airports ang nakikipag-transaksyon sa kustomer ng ‘cash basis only.’ “I’m not sure if you are aware but there are a lot of concessionaires in the airport who wouldn’t accept credit cards or debit cards, cash lang. So napapaisip ako, ayaw nilang mabisto ang earnings nila pero bakit papayagan ‘yan ng airport manager,” sabi ng senadora. Dagdag pa ni Poe may mga kustomer na napipilitan pang mag-withdraw sa ATMs, na ang ilan aniya ay hindi na gumagana. “The improved digitalization of transactions at the airports can help give the country a positive feedback from visitors and entice more tourists,” aniya.

Read more...