DFA kinumpirma pagkamatay ng OFW sa aksidente sa Qatar

Tinapos na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga samut-saring espekulasyon ukol sa pagkamatay ng isang Filipino sa Qatar.   Kinumpirma ng DFA na isang manggagawang Filipino ang namatay sa isang resort kaugnay pa rin sa magaganap na 2022 FIFA World Cup.   “It is with regret that the Philippine Embassy in the state of Qatar confirms the death of a Filipino national who unfortunately met his demise while working at a resort in Mesaieed,” ang pahayag ng DFA kagabi.   Nakikipag-ugnayan na sa ngayon ang Embahada ng Pilipinas sa mga awtoridad sa Qatar ukol sa detalye ng aksidente sa isa sa mga training site ng 2022 Wiorld Cup.   Samantala, makikipag-ugnayan na rin ang DFA sa naulilang pamilya ng OFW,  na pansamantalang hindi kinilala.   Nabanggit ni World Cup chief Hassan al-Thawadi na tinayang 400 hanggang 500 migrant workers ang namatay na sa pagta-trabaho sa mga proyekto na may kaugnayan sa torneo.

Read more...