Mataas na presyo ng mga bilihin, pangunahing intindihin ng mga Pinoy – survey

Maraming Filipino ang nagsabi na ang panggunahing iniintindi nila sa ngayon ay ang mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ito ang lumabas sa 4th Quarter OCTA Research survey at sumunod naman ang pagtaas ng sahod at seguridad sa pagkain. Noong Marso ang pag-intindi sa mataas na inflation ay 52 porsiyento at ito ay humataw sa 57 porsiyento noong nakaraang Oktubre.   Samantala, ang pag-kontrol sa pagkalat ng COVID 19, na nanguna sa mga intindihin ng mga Filipino noong 2021, ay bumaba na lamang sa siyam na porsiyento.   Kabilang din sa mga pangunahing intindihin ng mga Filipino ay kalusugan, matibay na kabuhayan at de-kalidad na edukasyon.   Isinagawa ang survey noong Oktubre at ito ay may 1,200 respondents.

Read more...