Speaker Romualdez umaasang lalagdaan na ni Pangulong Marcos ang 2023 national budget pagkatapos ng Belgium trip

Photo credit: House Speaker Martin Romualdez/Facebook

Umaasa si House Speaker Martin Romualdez na lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P5.268 trilyong 2023 national budget pagkatapos ng biyahe sa Brussels, Belgium.

Dadalo si Pangulong Marcos sa European Union-Asean Summit sa Disyembre 11 hanggang 15.

Ayon kay Romualdez, naratipikahan na ng Bicameral Conference Committee Report ang national budget.

Sinabi pa ni Romualdez na nagawa na ng Kongreso ang trabaho at nasa kamay na ng Pangulo ang bola.

 

Read more...