Utang ng Pinas, lomobo sa P13.64 trilyon

 

 

 

 

 

 

Lomobo ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre.

Ayon sa Bureau of Treasury, nasa P13.64 trilyon ang kabuuang utang ng bansa. Tumaas ito ng 0.92 porsyento o P123.92 bilyong piso kumpara noong Setyembre na P13.517 trilyon.

Nabatid na ang pagkuha ng local at external loans ang dahilan ng paglobo ng utang ng bansa.

Sa naturang halaga, 68.58 porsyento ang inutang sa loob ng bansa habang ang natitirang 31.42 porsyento ay inutang sa labas ng bansa.

Umakyat ang local debt ng P1.18 trilyon mula nang magsimula ang taon dahil sa patuloy na preference para sa domestic financing.

Pumalo naman sa P4.28 trilyon ang utang sa labas ng bansa kumpara sa 4.22 trilyong utang noong Setyembre.

Read more...