Sen. Bong Revilla inihirit na ibaba ang edad ng senior citizen

SENATE PRIB PHOTO

Mula sa 60-anyos gusto ni Senator Bong Revilla na maibaba sa 56-anyos ang edad ng kikilalaning senior citizen sa bansa.

Katuwiran ni Revilla sa paghahain niya ng Senate Bill No. 7432, mas marami ang magiging benepisaryo ng mga benepisyo na nakasaad sa RA 7432 o ang Senior Citizens Act.

“The benefits and privileges granted by statutes to senior citizens are indeed numerous, and we believe that they deserve all these,” ani Revilla sa kanyang panukala.

Base sa umiiral na batas, 20 porsiyentong diskuwento ang ibinibigay sa mga senior citizen at VAT-free din ang kanilang mga gamot, pasahe sa mga pampublikong sasakyan, at medical supplies, bukod sa pagkain.

Mayroon din silang 5 porsiyentong diskuwento sa bayad sa kuryente at tubig.

Nakasaad din sa panukala ang paglalaan ng ‘priority seating’ sa mga nakakatanda sa mga establismento.

 

Read more...