CHR, hindi magpapatinag

 

Mula sa Cebu Daily News

Walang balak ang Commission on Human Rights (CHR) na sumuko sa paninindigan laban kay President-elect Rodrigo Duterte.

Ito’y kahit pa tinawag ni Duterte si CHR Chair Chito Gascon ng “idiot” at “naive,” bukod sa pagsabi nitong manahimik na siya.

Ayon kay Gascon, hinding hindi siya susuko kahit pa para sa ngalan ng pagiging magalang sa susunod na pangulo, dahil mangangahulugan aniya ito ng kawalan nila ng kasarinlan.

Giit niya, ang CHR ay isang constitutional office at hiwalay sa Gabinete, kaya hindi magiging madali ang pagpapatanggal sa hepe nito.

Ani pa Gascon, oras na mapatunayan nila na mayroong panggi-gipit sa karapatang pantao ng mga mamamayan, nakahanda ang CHR na manindigan at ipaglaban ito.

Tiniyak rin niya, wala sa kanilang mandato ang pananahimik at magpapatuloy sila sa pagmamatyag at pag-protekta sa human rights lalo na kung may nakikita silang mga pang-aabuso sa mamamayan.

Tungkol naman sa banat sa kaniya ni Duterte, ipinagkibit-balikat niya lang ito at sinabing nirerespeto niya ang opinyon nito tungkol sa kaniya, pero itutuloy niya ang kaniyang trabaho alinsunod sa Saligang Batas.

Read more...