Deployment ng OFW sa India, tigil muna

 

Pansamantalang ipinatigil ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagde-deploy ng mga overseas Filipino workers sa India.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), base sa abiso ng Philippine Embassy sa New Delhi, hindi muna papayagan ang mga Filipinong manggagawa na magtrabaho sa naturang bansa dahil sa non-compliant ng India sa Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.

Nakasaad sa Section 4 ng batas, saka lamang magpapadala ang Pilipinas ng mga OFW sa isang bansa kung matitiyak na protektado ang mga manggagawa.

Tinitiyak din ng batas na mapangangalagaan ang karapatan ng bawat OFW.

Read more...