Nasa tamang landas ang pamahalaan para mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos kahit na pumalo sa 8 porsyento ang inflation o pagtaas ng mga bilihin noong buwan ng Nobyembre.
Ayon sa Pangulo, bagamat out of control ang inflation, kumpiyansa ang pamahalaan na makakamit pa rin ang 6.5 hanggang 7.5 porsyento na growth rate ngayong taon.
Sinabi pa ng Pangulo na patuloy pang nagrerekober ang bansa sa pandemya sa COVID-19.
Pero sa kabila nito, sinabi ng Pangulo na malusog pa rin ang ekonomiya ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES