Magsasagawa ng pagdinig ang Senate Blue Ribbon Committee sa pagbili ng nakalipas na administrasyon ng bilyong-bilyong piso halaga ng COVID 19 vaccines.
Sa inilabas na pahayag ng komite, na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino, ang pag-iimbestiga ay sesentro sa sinasabing pagtanggi ng Department of Health (DOH) na isapubliko ang detalye ng mga kontrata at ikinakatuwiran ang ‘non-disclosure agreements.
Itinakda sa Disyembre 14 ganap na alas-10 ng umaga ang unang pagdinig.
Sa mga naunang pagdinig sa Senado, ikinatuwiran ng mga opisyal ng administrasyong-Duterte na nakasaad sa mga kasunduan ang hindi pagsasapubliko ng halaga ng mga bakuna alinsunod sa kondisyon ng mga supplier.
Ang Commission on Audit (CA) sinabi na gagawin ang lahat ng mga pamamaraan para masuri ang mga kontrata.