Nalaman ni Azurin na nagpapatuloy ang online sabong sa kabila ng direktiba na itigil ito kasunod nang mga kaso ng pagkawala ng maraming sabungero.
“There was already a presidential order to stop all e-sabong activities. But we monitored that there were guerrilla operations of e-sabong until now,” ani Azurin.
Magugunita na noong nakaraang Mayo, ipinatigil ng noon ay Pangulong Duterte ang online sabong operations.
Ngunit sa kabila nito, nagpapatuloy ang online sabong sa pamamagitan ng social media.
Nabanggit pa ng hepe ng pambansang pulisya na maging OFWs ay tumataya sa illegal online sabong.
“So I directed all units, regional directors, the provincial directors and even the CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) and IG (Intelligence Group) to work together to hunt down all these personalities involved in the operations,” dagdag pa ng opisyal.