Revolutionary taxation, ipinagtanggol ng NDFP

 

Inquirer file photo

Dinepensahan ng tagapagsalita ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang kanilang paniningil ng revolutionary tax at sinabing ito ay rasonable.

Ayon kay NDFP spokesman Fidel Agcaoili, isa na talagang bahagi ng revolutionary movement ang pagbu-buwis para makapagbigay ng serbisyo sa kanilang mga mamamayan.

Giit pa ni Agcaoili, layon ng kanilang rebolusyon ang makapagtayo ng isang estado, at ang bawat estado ay may karapatang maningil ng buwis.

Gayunman, nilinaw naman ni Agcaoili na ang mga nakolekta nilang buwis ay nagagamit nila para sa kanilang mga komunidad.

Hindi naman aniya nila ito ibinubulsa tulad ng ginagawa sa pamahalaan, bagkus ay ginagamit nila ito sa pagtatayo ng mga paaralan, kooperatiba at serbisyong medikal.

Tiniyak naman niya na isasama sa peace negotiations ang tungkol sa revolutionary taxation.

Read more...