Nadagdagan pa ang bilang ng lalawigan sa Luzon na nakapagtala ng pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID 19.
Ito ang ibinahagi ni OCA Research fellow Guido David, 12 lalawigan, maliban sa Metro Manila, ang nakapagtala ng mas mataas na positivity rate mula noong Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, mula sa siyam na lalawigan sa sinundan na linggo.
Sa 12 lugar, sa Nueva Ecija naitala ang pinakamataas na pagdami ng bilang sa 39.1% mula sa 32.9% noong Nobyembre 26.
Nangangahulugan na sa bawat 10 na sumailalim sa COVID 19 test, apat ang nagpositibo sa sakit.
Pumangalawa ang Camarines Sur na nakapagtala ng 38.8% mula sa 27.7% makalipas ang isang linggo at sumunod ang Ilocos Sur, mula 32.9% ay umangat sa 36.2%.
Ang iba mga lalawigan ay Cagayan (18.2% – 21.4%), Rizal (f13.2% – 19.7%), Laguna (13.1% – 19.2%), Pangasinan (16.5% – 16.6%), Quezon (7.2% -13.3%), Bataan (9.7% – 11.2%), Ilocos Norte (7.8% – 11.1%), Zambales (6.1% – 10.7%), at Pampanga (8.3% -10.6%).
Sa Isabela, bagamat bumaba sa 38.6% mula sa 44.4% maituturing pa rin itong mataas.
Tumaas din ang positivity rate sa Metro Manila, mula 11.1% ay umakyat ito sa 12.4%.