Nagkaisa ang Department of Trade and Industry (DTI) at Globe sa pagtataguyod ng responsible business practices para sa online vendors at para pasiglahin ang mga micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs).
Tampok sa pagsasanib puwersa ay ang six-month subsidy ng m360 messaging platform, na magsisilbing information dissemination tool para sa DTI. Ang m360 ay isang kompanya sa ilalim ng 917Ventures at ng Globe Group na nagsasahimpapawid ng mga mensahe sa multiple recipients via SMS o FB messenger.
Ang pagtutulungan ay bahagi ng suporta ng Globe sa United Nations Sustainable Development Goals, partikular sa UN SDG No. 9, na nagbibigay-diin sa papel na ginagampanan ng infrastructure at innovation bilang crucial drivers ng economic growth and development, at UN SDG 17, na nagpapakita sa halaga ng partnerships sa pagtamo ng SDGs.
Sa ilalim ng partnership, ang dalawang partido ay bubuo rin ng digital learning content sa tech literacy sa pamamagitan ng eLearning videos at social media content.
Bukod pa dito, ang Globe eLibrary libreng magagamit na online platform ng DTI sa pagkakaloob ng learning content sa mga stakeholder nito. Maaari itong ma-access ng Globe at TM subscribers nang walang data charges.
“We want to help our MSME’s in their journey to digital. We know that many of them are struggling to integrate technology in their operations. We are hopeful that with this intervention, we can speed up their digital adoption and help stimulate business growth,” ani Crisanto, Globe Group Chief Sustainability and Corporate Communications Officer.
“Our partnership with Globe enables us to further expand our advocacy in supporting MSMEs through digital interventions that these small businesses may otherwise have no access to. We are grateful to have the country’s leading digital solutions platform supporting them in their journey to business recovery and growth,” sabi naman ni Trade Usec. Ireneo Vizmonte.