Approval at trust ratings nina PBBBM, VP Sara at ilang cabinet members humataw
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Nakakuha ng 83 porsiyento at 81 porsiyento na approval at trust ratings sina Pangulong Marcos Jr., at Bise Presidente Sara Duterte sa survey na
ng RP Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD)
Base sa resulta pa rin ng ‘Boses ng Bayan’ survey, 87 porsiyento ang ‘trust ratings’ naman nina Pangulong Marcos at Duterte.
Isinagawa ang survey noong Nobyembre 27 hanggang Disyembre 2 sa buong bansa at may 5,000 adult respondents.
Napakataas na 87 porsiyento ang credibility rating ni Pangulong Marcos sa Mindanao, samantalang 98 porsiyento kay Duterte.
Sa hanay naman ng mga miyembrong gabinete ayon kay RPMD Executive Dir. Dr. Paul Martinez, pinakamataas ang approval rating ni Interior Sec. Benhur Abalos (78%), kasunod si Information and Communications Sec. Ivan John Uy (74%), Budget Sec. Amenah Pangandaman (73%), Migrant Workers Sec. Susan Ople (71%), at Tourism Sec. Christina Frasco (70%).
Nasa ika-anim na puwesto si Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo (67%), Social Welfare Sec. Erwin Tulfo (65%), Transportation Sec. Jaime Bautista (63%), Trade Sec. Alfredo Pascual (61%) at Solicitor Gen. Menardo Guevarra (58%).
Samantala, si Senate President Juan Miguel Zubiri naman ay may 56% approval rating at 59% trust rating; si House Speaker Martin Romualdez ay may 53% at 55% approval; at trust ratings, samantalang si Chief Justice Alexander Gesmundo ay may approval rating na 32%.