140 na bangkay sa Bilibid, nailibing na

 

Nasa 140 na bangkay ng mga bilanggo ang nailibing na ng Bureau of Corrections.

Ayon sa BuCor, nasa 36 na bangkay na lamang ang nananatili pa sa Eastern Funeral Homes sa Muntinlupa City.

Nasa 39 na bangkay naman ang isasailalim pa sa awtorisya ng National Bureau of Innvestigation.

Ayon sa BuCor, 137 sa mga bilanggo ang namatay dahil sa natural causes.

Nasa walong bangkay naman sumailalim sa awtopsiya ni Doctor Racquel Fortun.

Matatandaan isa sa mga nasawi sa New Bilibid Prison si jun Villamor na sinasabing middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

 

Read more...