Pinag-iingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko sa ilang indibidwal na ginagamit ang kanilang pangalan para makapanghingi ng pera.
Ayon sa BSP, may mga sindikato at ilang indibidwal ang nagpapadala ng mensahe sa mga biktima at nagpapakilalang mga tauhan.
Gumagamit din anila ang mga ito ng email address na kapareho ng ginagamit ng mga taga-BSP para magmukhang lehitimo ang kanilang transaksyon.
Pinaalalahanan naman ng BSP ang publiko na maging alerto at huwag basta-basta magpapadala ng pera.
Nilinaw ng BSP na hindi sila nagso-solicit ng pera o nanghihingi ng impormasyon o ng mga dokumento ng financial transactions ng sino man pribadong indibidwal.
MOST READ
LATEST STORIES