Presyo ng produktong petrolyo bababa

 

Posibleng bumaba ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Nasa P1.70 hanggang P2 ang maaring ibaba sa presyo ng diesel kada litro.

Nasa P1.90 hanggang P2.10 naman ang maaring ibaba sa presyo ng gasolina kada litro.

Tinatayang nasa P1.30 hanggang P1.60ang maaring ibawas sa presyo ng kerosene kada litro.

Ayon sa mga eksperto, ang mababang demand sa China ang posibleng dahilan ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

 

Read more...