NBI iimbestigahan ang Immigration Bureau sa bagong human trafficking modus

 

Iimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang maaring pagkakasangkot ng ilang opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa nabunyag na bagong modus sa human trafficking.

Ang hakbang ay utos ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, na tiniyak na walang sasantuhin sa imbestigasyon.

“Let the axe fall where it may. Kahit sino pa yan,” aniya.

Unang ibinunyag ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang bagong modus, na naisasagawa sa posibleng pakikipag-sabwatan ng mga tauhan ng BI at mga airport terminal officials.

Iprinisinta pa ni Hontiveros sa isang pagdinig sa Senado ang ilan sa mga nailigtas na Filiinong biktima ng sindikato sa Myanmar.

Nabatid na nakapuslit ang mga biktima ng sindikato sa Immigration Counter sa NAIA Terminal 3 gamit ang airport concessionaires passes.

Read more...