Lumagpas sa itinakdang target ang nakolektang P186 bilyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Nabatid na ang collection target ng kawanihan para sa buwan ng Oktubre ay P184 bilyon.
Sa mga naglabasang ulat, kinapos sa target ang nakolektang buwis sa nabanggit na buwan, ngunit nang marebisa ang mga ulat ay lumabas na lumabis pa ng P2.7 bilyon.
Ayon pa sa BIR, ang koleksyon noong Oktubre ay mas mataas ng P24.6 bilyon kumpara sa koleksyon noong Oktubre 2021.
Simula Enero hanggang Oktubre, ang kabuuang koleksyon ng BIR ay P1.9 trilyon na mataas ng P214 bilyon kumpara sa katulad na panahon noong nakaraang taon.
MOST READ
LATEST STORIES