Madaling nakuha ni Clinton ang panalo sa apat sa anim na estadong binaybay nila, kabilang na ang hitik sa delegado na New Jersey, na nagtapos sa California.
Dahil sa sunud-sunod niyang panalo, ngayon ay ipinagdiriwang ni Clinton ang matagal na niyang pagnanais na maging kauna-unahang babaeng mangunguna sa presidential ticket ng isang major political party.
Bago pa ang contests na naganap araw ng Martes sa Amerika, nasungkit na ni Clinton ang nominasyon ng kaniyang Democratic Party matapos makakuha ng sapat na dami ng kailangang delegates.
Bagaman napapalayo na siya sa bawat panalo ni Clinton sa mga estado, naninindigan pa rin si Sanders na ipagpapatuloy pa rin niya ang kaniyang kampanya hanggang sa huling contest sa District of Columbia sa susunod na linggo.