Cebu Pacific nagpalabas ng Yuletide travel advisory

Nagpalabas ng paalala ang Cebu Pacific sa kanilang mga pasahero na bibiyahe ngayon Kapaskuhan.

Ayon sa abiso, kailangan na maglaan ng sapat na oras sa pagbiyahe patungo sa airport at ang mga may domestic flight ay dapat nasa NAIA Terminal 3 dalawang oras bago ang lipad ng eroplano, samantalang tatlong oras naman sa may international flights.

Kung maari din ay mag-online  check in sa pamamagitan ng official CEB mobile app o sa Manage Booking section ng kanilang website at nararapat din na i-check ang ‘flight information.’

May self-tag luggage check-in sa ilang domestic flights  (Manila, Davao, Clark, Cagayan de Oro, General Santos, Bohol, Iloilo, at Zamboanga), samantalang ang mga pasahero ay maaring magbitbit ng isang carry-on bag na may bigat na hanggang pitong kilo.

Magdala din ng kopya ng vaccination card at VaxCertPH para sa mga biyahe sa ibang bansa.

Kasama din sa dapat baunin, ayon sa CebuPac, ay mahabang pasensiya.

Nabatid na 100 porsiyento sa crew ng CebuPac ay fully vaccinated na at 95 porsiyento sa kanila ang naturukan na ng ‘booster shot.’

Inaasahan na dadagsa ang mga pasahero sa mga NAIA terminals ngayon holiday season kasunod na rin ng dalawang taon na ‘stop and go air travel.’

 

 

Read more...