Bagong modus sa ‘human trafficking’ sinisilip ng MIAA

PHILIPPINE DAILY INQUIRER PHOTO

Iniimbestigahan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang diumano’y paggamit ng pekeng airport passes ng sindikato na sangkot sa sinasabing bagong modus ng ‘human trafficking.’

Sa inilabas na pahayag ng opisina ni MIAA General Manager Cesar Chiong nabanggit na sa apat na insidente noong Oktubre at Nobyembre, napigilan ng security guards sa NAIA Terminal 3 ang pagtatangka ng apat na nagpanggap na empleado ng airport concessionaire na makalabas ng bansa.

Ang apat ay hindi sumailalim sa immigration procedures at inendorso na sila sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Kamakailan, ibinunyag ni Sen. Risa Hontiveros ang bagong modus sa pagpapalabas ng mga Filipino patungong Myanmar.

Nagpahayag ng pangamba si Hontiveros na ito ay mas grabe kumpara na una niyang ibinunyag na ‘Pastillas scam,’ na kinasangkutan ng ilang Immigration personnel.

 

Read more...