Sinabi ni LTO chief Jose Arturo Tugade maaring suspindihin o ipasara ang mga klinika na nagbibigay ng nedical certificate kahit walang physical examination.
“We continue to remind the public that a driver’s license to operate a motor vehicle is not a right but a privilege granted by the government. No one should circumvent the process in the issuance of a driver’s license, and the job of the LTO is to make sure that it is issued only to qualified drivers as part of promoting road safety,” ani Tugade.
Binanggit ng opisyal ang6-day suspension at pagpapasara sa K-Shine Medical Clinic sa Bacolod City bunsod nang pag-iisyu ng 186 medical certificates sa isang araw.
Hindi kapani-paniwala ayon sa LTO ang sobrang dami ng naisyu na sertipiko bagamat ayon sa kampo ng klinika napakadami nang natatanggap nilang kliyente sa isang araw.
Ang pagsasailalim sa physical exam ay bahagi ng proseso sa pagkuha ng driver’s license.